
Help Feed Hungry Minds
Hello Guys, kumakatok lamang po ako sa inyong mga mabubuting puso para tulungan ang ating mga kababayan sa Pilipinas na nagugutom ngayon sa panahon nga Lockdown dahil sa Covid19 Pandemic. Aware naman siguro tayo sa mga kapabayaan at sobrang bagal ng pag responde ng mga namamahala sa LGU ng ibat ibang lungsod kapag inisa isa natin yan, aabutin tayo ng syam syam.. iilang mayor lang naman ang matitinong ginagamit ang pondo ng bayan, PARA SA BAYAN dahil kadalasan sa bulsa nila napupunta.. ewan koba hindi na kaya ng puso kong makita mga naghihirap at walang makain, maswerte padin tayo dahil kahit papano nakaka kain padin tayo.. Madami sa atin walang trabaho ngayon dahil lahat tayo apektado talaga ng crisis na ito at mahirap mag labas ng malaking halaga dahil di natin alam hangang kailan tayo mga walang trabaho kaya naman kahit sa maliit na halaga kapag pinag sama-sama ay malaking bagay na para makatulong sa ating kapwa.. Inilalapit kolang sa inyo na tulungan natin ang aking Kaibigang si Arpie na maipagpatuloy ang pagpapakain sa mga nagugutom sa kalsada.. Natatakot din ako para sa kaligtasan nya at ng mga volunteers nya dahil ikot sila ng ikot para magpakain ng mga nagugutom. You can check their page FEED HUNGRY MINDS LIBRARY INC. sa Facebook at makikita nyo po ang kanilang mga aktibidades walang sawang pag tulong sa mga nangangailangan sa ganitong panahon ng crisis...Makakasiguro po tayo na makakarating sa mga nangangailangan ang ating tulong pinansyal.
https://www.facebook.com/feedhungrymindslibraryinc/
MARAMING SALAMAT PO SA INYO AT NAWAY PAGPALAIN KAYO NG PUONG MAY KAPAL.