- M
- E
Hello, my name is Fem, and I’m reaching out with a humble heart to ask for your support.
I am fundraising for my niece, Epifania (Fe) Leyson Rodil, who is bravely battling Stage 3 Breast Cancer. She is currently undergoing chemotherapy and is now preparing for critical surgery as part of her treatment plan.
In the Philippines, healthcare costs are extremely high, and the surgery alone will cost approximately ₱250,000. Her family is doing everything they can to support her, but we need to put a broader call out for help to ensure she receives the urgent care she needs.
We want nothing more than to see her recover, but we cannot do it alone. If you are able, please consider donating — any amount, big or small, will make a real difference.
Your generosity will help cover the cost of her surgery and bring her closer to healing and health.
If you cannot donate, please help by sharing this fundraiser with your friends and family. Every share is another step toward helping Fe on her journey to recovery.
Thank you from the bottom of our hearts for your kindness, prayers, and support.
-
Kumusta po, ako si Fem, at ako po ay buong kababaang loob na humihingi ng inyong suporta.
Ako po ay nangangalap ng pondo para sa aking pamangkin, si Epifania (Fe) Leyson Rodil, na matapang na nakikipaglaban sa Stage 3 Breast Cancer. Siya ay kasalukuyang sumasailalim sa chemotherapy at ngayon ay naghahanda para sa isang napakahalagang operasyon bilang bahagi ng kanyang gamutan.
Dito po sa Pilipinas, napakamahal ng mga gastusin sa kalusugan, at ang operasyon pa lamang ay aabot ng humigit-kumulang ₱250,000. Ginagawa na ng kanyang pamilya ang lahat ng makakaya upang siya'y matulungan, ngunit kailangan po naming humingi ng tulong sa mas maraming tao upang matiyak na makukuha niya ang agarang gamutan na kailangan niya.
Ang tanging hiling po namin ay ang kanyang ganap na paggaling, ngunit hindi po namin ito kayang mag-isa. Kung kayo po ay may kakayahan, maaaring magbigay ng donasyon — anumang halaga, maliit man o malaki, ay lubos na makakatulong.
Ang inyong kabutihang loob ay tutulong upang matustusan ang kanyang operasyon at mapalapit siya sa kanyang paghilom at paggaling.
Kung hindi po kayo makakapagbigay ng donasyon, maaari po ninyo kaming matulungan sa pamamagitan ng pagbahagi ng fundraiser na ito sa inyong mga kaibigan at pamilya. Bawat pag-share ay isang malaking hakbang patungo sa pag-asa at paggaling ni Fe.
Maraming-maraming salamat po mula sa kaibuturan ng aming mga puso sa inyong kabutihan, panalangin, at suporta.




